Nahaharap sa kaso ang dalawang pulis matpaos ang pananakot, obstruction at harassment laban sa isang fire volunteer sa Tondo, Manila.
Ayon sa National Police Commission, lumapit sa kanilang opisina si Roicyd del Rosario kung saan nangyari ang insidente noong Abril 15.
Base sa complainant,mayroon silang nirespondihang sunog sa Barangay 121 ng maharang kanilang firetruck sa Mata Street-Capulong Street intersection.
Sianbi ni Del Rosario hinarang ni Police Master Sergeant John Ruel Morandante ang kaniyang motorsiklo sa harap ng kanilang truck.
Para maiwasan ang banggaan ay napilitan silang huminto at umatras.
Kahit na ganun na pangyayari ay bumaba pa ito sa tuluyan hinarang ang kanilang daanan.
Hinihinalang nakainom umano ng nakakalasing ng inumin ang pulis kung saan kinalampag pa nito ang kanilang fire truck , nagmura at dinuro pa sila bago nagpakilalang pulis.
Nagharap-harap na sila noong Abril 16 sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) kung saan gumawa ng affidavit ang pulis at inamin nito ang pagkakamali at humingi ng paumanhin.
Subalit matapos ang isang araw ay hinahanap siya ng kapatid ni Morandante na isa ring pulis sa barangay at tinakot ang staff nila kaya naisulat ang pangalan nito.
Dahil sa nasabing insidente at pangamba sa buhay ay napilitan na lamang nitong ilapit ang kaso sa NAPOLCOM.
















