-- Advertisements --

Nagtala ng career high na 44- points si Robert Bolick para madala sa panalo ang NorthPort Batang Pier sa overtime game nila ng Meralco Bolts 101-95 sa nagpapatuloy na PBA Commissioiner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Nasayang naman ang nagawang 30 points ng import ng Bolts na si Johnny O’Bryant.

Hawak pa ng Bolts ang kalamangan sa third quarter subalit naging agresibo ang NorthPort hanggang madala ang laro sa overtime.

Humanga si NorthPort coach Pido Jarencio sa naging pagsisikap ng kaniyang mga manlalaro lalo na sa mga dikit na mga laban.