Pumanaw na si Cardinal George Pell sa edad 81.
Kinumpirma ito ni Sydney Archbishop Anthony Fisher kung saan pinapaniwalaag ito ay inatake sa puso.
Si Pell ay hinatulan dahil sa kasong child abuse noong siya ay Arsobispo ng Melbourne at Sydney.
Itinuturing siya ang highest ranking Catholic cleric sa Australia dahil isa siya sa napili bilang pinakamataas na aides ng Santo Papa.
Naging finace officer ito ng Vatican mula 2014 hanggang 2019.
Nakulong si Pell noong 2019 dahil sa kasong child abuse at matapos ang halos na isang taon ay nakalaya din ng mabaligtad ang kaniyang kaso.
Bumaba ito sa kaniyang puwesto noong 2017 at bumalik ng Australia para dumalo sa pagdinig sa kaniyang kaso.
Isinilang si Pell noong 1941 sa Ballarat at nagsimula itong nag-aral sa pagkapari sa Corpus Christian College sa Werribee bago ipinagpatuloy sa Roma ang kaniyang pag-aaral.