-- Advertisements --

Pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang misa ngayong Lunes, Distembre 8 para sa Feast of the Immaculate Conception sa Manila Cathedral, Intramuros.

Ayon sa Minor Basilica, si Cardinal Advincula ang namuno sa Eucharistic Celebration kaninang alas-12:10 ng tanggali.

Apat pang misa ang nakatakdang idaos. Sa umaga, alas-8:00 at alas-10:00 habang sa hapon ay alas-4:00 at alas-6:00 na pangungunahan ni Cathedral Rector Msgr. Rolando dela Cruz.

Ang December 8 ay idineklarang special non-working holiday sa buong bansa sa ilalim ng Republic Act 10966 bilang paggunita sa kapistahan ng Immaculate Conception o ang dakilang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Ang Immaculate Conception din ay Patroness ng Pilipinas, kaya’t espesyal ang selebrasyong ito dito sa ating bansa.