-- Advertisements --

Tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang nananatiling nasa moderate risk ng COVID-19 transmission habang ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa low risk na.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, na nasa low risk na rin sa buong rehiyon ang health care utilization rates.

Nauna ng sinabi ni Duque na tapos na ang surge ng Omicron coronavirus variant dahil sa patuloy ang pagbaba ng nasabing kaso sa bansa.

Magugunitang maraming mga negosyante ang humihiling na rin na ilagay na lamang sa alert level 1 ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso.