-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tinanghal na kampeon ang koponan ng Cordillera Administrative Region (CAR) sa street dance competition sa nagpapatuloy na National Festival of Talents 2020.

Tampok sa street dance competition ang mga dancers na mula sa Baguio City National High School para sa kanilang pinikpikan dance.

Samantala, tinanghal na 5th place ang grupo ng mananayaw Region 5 o Bicol Region, 4th place ang Region 8 habang bronze medalist ang delegasyon ng Region 12, Silver medalist naman ang Ilocos Region o Region 1

Tumanggap ng mga certificate at mga medalya sa mga nanalong delegasyon sa isa sa mga hightlights sa opening ceremony na bayle sa kalye o streetdance competition.

Kaugnay nito ay nagpakita ng ibat ibang talento ang mga kalahok na mag-aaral sa pangatlong araw ng National Festival of Talents 2020.

Ilan lamang sa mga tampok ay ang Singing Idol, Likhawitan Performance, Himig Bulilit at PopDev debate.