-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nagmukhang ghost town ang Madrid na kapital city ng Spain dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019.

Sa report ni Bombo International Correspondent Jho Magdaluyo direkta sa Spain, sinabi nito na mahigpit ang pagpapatupad ng mga otoridad ng social distancing measure sa kanilang lugar.

Ayon kay Magdaluyo, sa oras na lalabas sila ng bahay, isa lang ang maaring lumabas at walang kasabay at halos dalawang linggo na ang nakalipas nang sila ang isinailalim sa home quarantine.

Ani magdaluyo, nakasarado ngayon ang mga malls at tanging ang mga establisimento lang na nagtitinda ng mga pagkain, gamot at toiletries ang nanatiling bukas.

Napag-alaman na sa ngayon umabot na sa 48,058 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 at 2,991 na ang kumpirmadong patay sa bansang Spain.