Magtutungo ngayong araw si Canadian Foreign Minister Melanie Joly sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, layon ng pagpunta ng opisyal ay upang pag-usapan ang kasalukuyang estado ng Pilipinas hinggil sa usapin nito sa China sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Manalo, na nakatakda ring pag-usapan sa kanilang pagpupulong ay ang high level talks ng dalawang bansa para sa health food security and agriculture, humanitarian assistance and disaster relief, at people to people exchange ng dalawang bansa bagay na isa ang mga Pilipino sa may pinakamaraming populasyon sa naturang bansa.
Sa huli sinabi ni Manalo, na postibo ito na magbubunga ng maganda ang pagpupulong ng dalawang bansa upang mas mapalalim pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Canada na nag-umpisa noong 1949.