-- Advertisements --

Magkakaroon na ng bagong koponan na magkakampeon sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ito ay matapos na talunin ng Canada ang defending champion na Spain 88-85 sa kanilang paghaharap sa Indonesia Arena sa Jakarta.

Umabot sa 12 points ang hinabol ng Canada bago tuluyang mahigitan nila ang defending champion.

Hawak ng Spain ang kalamangan ng 10 points sa first half 48-38 hanggang unang limang minuto ng last quarter.

Dahil sa panalo ay magtutungo ang Canada sa Pilipinas at dito makakaharap nila ang Slovenia para sa quarterfinals sa Setyembre 6.