-- Advertisements --

Napili ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang panganay na anak nitong si Hun Manet.

Nitong Lunes ay naglabas ng decree ang hari ng Cambodia na si King Norodom Sihamoni at inaprubahan ang pagpalit sa puwesto bilang Prime Minister ng Cambodia si Hun Manet.

Si Hun Sen ay namuno sa puwesto sa loob ng mahigit na 38 taon.

Ilang araw matapos ang July 23 election ay inanunsiyo niya ang pagbaba sa puwesto at sinabing ipapalit ang anak nito.

Nagwagi ang kaniyang partido at nakuha nila ang limang upuan sa parliamento.

Mananatili naman si Hun Sen na pangulo sa People’s Party ng Cambodia.