-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ang kanyang anunsiyo ay kanyang ginawa habang nasa Bali, Indonesia para sana dumalo sa Group of 20 (G20) Summit.
Dahil dito ang lahat ng miyembro ng kanyang delegasyon ay agad na ring babalik ngayon ng Cambodia para muna sumailalim sa quarantine.
Una nang naging host ang Cambodia sa katatapos lamang na ASEAN Summit kung saan kabilang sa nakasalamuha ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza ay si Prime Minister Hun Sen.
Ang Pangulong Marcos na naghahanda na rin sa pag-alis bukas patungong APEC Summit sa Thailand.