DAVAO CITY – Pinapaabot ni Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng isang call center agent na naging Patient Under Investigation (PUI) matapos na ito ay pumanaw.
Inihayag ni Mayor Sara na walang travel history ang naturang biktima at hinihintay pa ang pangalawang resulta ng COVID -19 testing nito.
Sa ngayon 71 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID – 19) na naitala ng Southern Philippine Medical Center, 35 na ang naka-recover habang 13 na ang namatay dito sa lungsod ng Dabaw.
Samantala, 10 naman ang naitalang confirmed cases sa Davao del Norte; dalawa sa Davao de Oro; tatlo sa Davao Oriental; dalawa sa Davao del Sur; at zero naman sa Davao de Oro.
Habang, pinayuhan naman ni Mayor Sara ang publiko na manatali pa rin sa kani-kanilang kabahayan at magnilaynilay ngayong mahal na araw.