-- Advertisements --
Naglaan ang California ng $166.5 milyon na pondo para matigil ang Asian hate crimes.
Sinabi ni Califonia Assemblyman Phil Ting na sapat na ang nasabing pondo sa loob ng tatlong taon para maibigay sa mga grupo na lumalaban sa anti-hate crimes.
Pipiliin ng Department of Social Services ang karapat dapat na grupo na makakatanggap ng nasabing pondo.
Ikinatuwa naman ni Filipino American Sierra Madre Mayor and Asian Pacific Policy and Planning Council (AP3CON) board President Rachelle Arizmendi, ang nasabing pagpopondo para matulungan ang mga tumaas na bilang ng mga biktima ng Asian hate crimes.
Noong nakaraang taon kasi ay aabot sa 10,000 ang mga naitalang kaso ng Asian hate crimes.