Tinalakay sa ika-siyam na cabinet meeting sa Malacañan ang mga hakbang kaugnay sa patuloy na economic tranformation agenda ng Marcos administration.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz – Angeles, kabilang dito ang mga ipatutupad na hakbang upang matiyak ang compliance sa standards of training certification and watch keeping (STCW).
Pinangunahan aniya ng Maritime Industry Authority (MARINA), Commission on Higher Education (CHED),
Ayon pa sa kalihim, natalakay naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at CHED ang mga hakbang para sa paga-upgrade sa kakayahan ng workforce ng bansa.
Bahagi pa rin ito sa economic transformation program ng pangulo, lalo’t kasama ang education aspect, vocational skills training, at pagpapalawig ng kakayahan ng mga manggagawa ng bansa, sa economic transformation na isinusulong ng pamahalaan.
Samantala, hindi naman napagusapan sa pulong ang usapin sa paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Gayunpaman, tiniyak ni Secretary Angeles na nananatiling naka-monitor ang pangulo at ang economic team para sa nasabing isyu.