Magtataas ng alerto ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at bakasyunista ngayong Semana Santa.
Ayon sa CAAP na base ito sa direktiba ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista kasabay ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa.
Magsisimula ang pagtaas ng Alerto sa Abril 2 hanggang Abril 10 na deklarado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang Holiday.
Mahigpit na rin ang pakikipag-ugnayan ng CAAP sa iba’t-ibang ahensiya gaya sa PNP Aviation Security Unit, Office of Transport Security o OTS, Department of Tourism, Civil Aeronotics Board at mga airline company para maging ligtas ang mga biyahe.
Magsasagawa rin ng inspeksyon ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA sa mga paliparan ng Maynila para matignan ang ginagawang paghahanda sa pagdami ng mga pasahero.