KALIBO, Aklan–Pansamantalang kinansela ang biyahe ng mga roll-on-roll-off o (RoRo) vessels at motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port papuntang Batangas, Romblon at Mindoro.

Sa kalatas na ipinalabas ni Lt. Commander Marlowe Acevedo ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan, simula alas-5:00 kaninang hapon ay hindi na pinayagan na lumayag ang mga RoRo vessels matapos na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang buong lalawigan ng Aklan dahil sa bagyong Ursula.

Kaugnay nito, inabisuhan ng Philippine Coastguard (PCG)-Caticlan ang mga pasahero na sunrise to sunset na lamang ang byahe ng mga motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port to Cagban Port and vice versa.

Samantala, nakaalerto na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)-Aklan at patuloy na minomonitor ang lagay ng panahon.