-- Advertisements --
Tumaas noong 2022 ang buwis na nakolekta sa mga Philippine offshore gaming operations.
Ayon sa Department of Finance na umakyat ng 127% kada taon sa P8.878 billion sa 2022.
Mas malaki ito kumpara noong 2021 na mayroon lamang P3.91 bilyon.
Ang nasabing pagtaas ay dahil sa pagbubukas na ng gobyerno ng ekonomiya matapos ang COVID-19 pandemic.
Sa nasabing taon ay nakapagbayad ang mga POGO ng kabuuang P43.2 milyon para sa kanilang business tax.
Nauna ng sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na handa ang gobyerno na pakawalan ang mga POGO dahil sa mga kontrobersiya na kanilang kinakaharap.
Maaring mabawi ang mga buwis na nakukulekta dito sa mga ibang paraan.