Reading Time: 1 minute
Tboli south cotabato truck

KORONADAL CITY – Isinalaysay ng isa sa mga responders sa Bombo Radyo Koronadal ang madugong aksidenteng nangyari sa Brgy. Lamsalome, bayan ng T’boli, South Cotabato na ikinamatay ng 20 pasahero at ikinasugat ng 14 na iba pa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Koronadal kay Sherwin Dondon, 33, residente ng Polomolok, South Cotabato, nakasunod umano ang forward truck sa kanilang sasakyan ngunit nag-overtake umano ito sa kanila at napansin nilang napakabilis ng takbo nito at nagulat na lamang sila na bigla na lamang itong dumiretso sa bangin.

Agad nilang tinulungan ang ilan sa mga biktima kung saan naka-rescue sila ng 11 katao na kinabibilangan ng tatlong matatanda at walong mga bata kabilang na ang isang taong gulang na nagdiwang pa ng birthday.

Umiiyak pa umano ang mga biktima habang iniinda ang malalang mga sugat at bali sa katawan nang kanilang isinakay sa kanilang sasakyan at sumunod naman ang iba pang mga saksakyan sa pag-rescue ng mga biktima.

Tatlo umano sa mga biktimang isinakay nila ang namatay habang ang iba naman ay naka-survive.

Nakapag-usap pa umano sila ng may-ari ng forward truck na dumaan sila sa Barangay Lamsalome dahil umiiwas sila LTO checkpoint.