-- Advertisements --

Inaasahan ng Pilipinas na magkakaroon ng makabuluhang partnerships sa mga US businesses at investors sa pagdating ng mga ito sa bansa sa susunod na Linggo para sa isang trade mission.

Ayon kay Department of Trade and Industry’s (DTI) Foreign Trade Service Officer, Jollan Margaret Llaneza na magkakaroon ng high-level delegation na binubuo ng 22 business delegates, C-level representatives mula sa strategic sectors at ang kanilang pag-uusapan ay kung paano palakasin ang trade and investments relations ng dalawang bansa.

Sinabi ni Llaneza na ang layunin ng gobyerno ay magkaroon ng magandang relasyon ang business sector ng Pilipinas sa kanilang American counterparts para magkaroon ng commercially meaningul partnerships.

Ang delegasyon ng trade and investment mission ng Amerika at pangungunahan ni US Commerce Secretary Gina Raimondo.

Ang pagbisita ng grupo ni Raimondo sa Pilipinas at resulta sa naging pagbisita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa Amerika kung saan nangako si US President Joe Biden na magpadala ng high-level trade and investment missions sa Pilipinas.

Bukas, Lunes March 11, 2024, nakatakdang makipagpulong ang grupo ni Raimondo kay Pang. Marcos sa Malakanyang kasama si Trade Secretary Alfredo Pascual.

Kabilang ang US sa top three trading partners ng Pilipinas kasama ang Japan at China.

Bukod sa pagiging top 3 trading partners ang US at Japan, ang dalawang bansa ay strategic partners din ng Pilipinas kung saan may mga pag-uusap kaugnay sa defense treaties.

Habang sa Japan naman, mayroon ang Pilipinas na policy instruments na bumabalangkas sa economic relations gaya ng bilateral free trade agreement na tinatawag na Philippines-Japan Economic Partnership Agreement or iyong PJEPA.

Habang sa China, pinapanatili ng Pilipinas ang Free Trade Agreement (FTA) sa ilalim ng ASEAN-China Free Trade Agreement.

Ang Japan at China ay parehong bahagi ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement (RCEP).