Sinisimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-alis sa paper-based departure cards at ang isinusulong ngayon ng ahenisya ay ang eTravel platform na isa sa pinaka-mainam at mabilis na proseso.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, layon ng nasabing proyekto ay para ma-integrate ang ilang mga proseso kasama ang ilang mga concerned agencies.
Paliwanag ni Sandoval, sa pamamagitan ng eTravel platform hindi na mahihirapan ang mga inbound at outbound na pasahero na magsulat ng mga forms na kadalasan ay nagiging hassle.
Dagdag pa ni Sandoval, ang mga pasahero dapat mag log in sa website sa etravel.gov.ph., 72 hours bago ang kanilang biyahe at not earlier than 72 hours bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas.
Sinabi ni Sandoval ang pag fill out ngayon ay sa pamamagitan na ng online at wala ng isusulat kapag nasa paliparan na.
Pagtiyak nito na magiging madali ang pag-access sa nasabing website at wala itong bayad.
Nagbabala naman ang Bureau of Immigration sa mga biyahero na mag-ingat pa rin dahil may mga scammers pa rin na pilit ginagaya ang e-Travel website ng Bureau of Immigration.
Payo ni Sandoval na mas maigi na i-type ito mismo sa mga browsers para hindi mapunta sa kung saan saan.
Sa kabilang dako, isinusulong din ng BI na amyendahan ang Philippine Immigration Act na taong 1940’s pa naging batas.
Ibig sabihin outdated na ito at maraming mga provision sa batas ang hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.