-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Gumuho ang malaking bahagi ng bundok sa Sitio Tinago Barangay Bao Alamada Cotabato.
Dulot ito ng malakas na buhos nang ulan dala ng bagyong Lannie.
Hirap madaanan ang kalsada dahil natabunan ito ng lupa galing sa gumuhong bundok.
May mga batong nahuhulog at malambot na rin ang bahagi ng bundok sa patuloy na pag-ulan kaya nangamba ang mga residente na dumaan.
Maliban sa pagguho ng lupa o landslide may mga bayan na rin sa probinsya ng Cotabato ang binaha.
Nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM-Cotabato) sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.