Itinuturing ng Malacañan na positive development ang pagbaba sa 2.4 percent ng inflation sa buwan ng Agosto, mula sa 2.7 percent noong Hulyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iniuugnay nila ito sa dahan-dahang pagbukas ng ekonomiya ng bansa kung saan nakakakita rin ng pagbaba sa presyo ng mga pagkain.
Ayon kay Sec. Roque, ang pagpapanatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong mayroong global health crisis ay nananatiling prayoridad ng pamahalaan.
Alinsunod na rin umano ito sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang Pilipinong magugutom sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Inihayag ni Sec. Roque na patuloy na babantayan ng pamahalaan ang presyo ng mga basic goods at titiyakin nito na magtutuloy-tuloy lamang ang galaw at supply ng mga essential commodities kahit pa mayroong mga umiiral na lockdowns.