-- Advertisements --

Pinawi ng National Food Authority (NFA) ang pangamba ng publiko hinggil sa pangangailangan sa bigas kung lulubha ang epekto ng tag-tuyot.

Ayon kay National Food Authority officer-in-charge administrator Larry Lacson, may sapat na nakaimbak na bigas para labis na maaaapektuhan ng matinding tagtuyot.

Maliban dito, may mailalaan pa ring supply, kung sakaling tamaan ang bansa ng iba pang kalamidad.

Giit pa ni Lacson, may mga hakbang na silang ginagawa para mapanatiling sapat ang naka-imbak na bigas sa kanilang mga bodega.

Binigyang linaw din nito na walang kapangyarihan ang NFA na maglabas ng mas murang presyo ng bigas sa merkado dahil ang tanging sakop nila ay mag-imbak ng ng nabiling produkto mula sa mga nabiling produkto.