-- Advertisements --
Bumaba ang budget deficit ng bansa nitong buwan ng Marso.
Ayon sa Bureau of Treasury na mula sa P210.3 bilyon noong nakaraang taon ay naging P195.9-B na ito noong Marso.
Nagkaroon din ng 11.32 percen ng year-over-year revenue growth laban sa 3.18 na pagtaas sa government spending.
Ang hindi lamang naging maganda ngayon ay ang budget gap noong unag quarter ng taon na mayroong P272.6-B na bahagyang tumaas ng 0.65 percent o katumbas ng P1.8-B mula sa P270.9-B sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng treasury department na mayroong P933.7-B ang kabuuang revenue sa first quarter na mayroong 14.05 percent na pagtaas kumpara sa unang tatlong buwan noong nakaraang taon.