-- Advertisements --
Nakatakda nang iproseso ng Bureau of Corrections (BuCor) ang release order ng Amerikanong sundalong si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Kasunod na rin ito nang pagkumpirma ni BuCor Director General Gerald Bantag na hawak na nila ang certified true copy ng absolute pardon.
Ayon kay Bantag, uumpisahan na nil ang internal process para sa pagpapalaya sa sundalo matapos i-forward sa kanila ng DoJ ang kopya ng absolute pardon.
Kabilang na dito ang paghahanda sa memorandum to release ng dating sundalo, verification kung mayroon pa itong nakabinbing mga kaso at ang pagkuha ng biometrics at photograph.
Aniya kailangan ding sumunod ang sundalo sa protocols mula sa health services gaya ng swab test.