-- Advertisements --

Muling binuksan ng Bureau of Corrections ang pagdalaw sa mga nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinaib ni BuCor Director General Gregorio Catapang, ito ay matapos na wala na silang naitalang nagpositibo sa virus.

Bagamat wala ng nagpositibo ay kanila pa ring ipinapatupad ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask sa mga dumadalaw.

Magugunitang ipinagbawalan ang pagpasok sa mga bisita ng dalawang linggo dahil sa may naitala silang kaso ng COVID-19 sa loob ng NBP.