-- Advertisements --
Nakalusot ang Milwaukee Bucks sa tangka nang Miami Heat na tapusin na ng maaga ang kanilang best-of-seven series sa Eastern Conference semifinals.
Ito ay matapos na makuha ang panalo sa Game 4 sa pamamagitan ng overtime, 118-115.
Nanguna si Khris Middleton sa panalo ng Bucks na nagtala ng 36 points habang mayroong tig-14 points naman sina Brook Lopez at Eric Bledsoe.
Bagamat hindi na tinapos ni Giannis Antetokounmpo ang laro dahil sa injury ay nakapagtala pa rin ito ng 19 points.
Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Bam Adebayo habang mayroong 20 points si Duncan Robinson ng Heat.
Bago ito, isang panalo na lamang sana ang kailangang ng Heat para tapusin ang serye nila ng Bucks.