Giannis Antetokounmpo/ Photo courtesy of NBA

Nagtapos na may impresibong 45 points at 13 rebounds si Giannis Antetokounmpo upang bitbitin ang Milwaukee Bucks tungo sa panalo kontra Philadelphia 76ers, 128-122.

Nag-ambag ng 22 points si Khris Middleton at si George Hill ng 20 points para sa Bucks, na nasungkit na ang No. 1 seed sa Eastern Conference.

Kasabay nito, nakakuha na ang Milwaukee ng home-court advantage sa playoffs sa nalalabi nilang tatlong laro sa regular season.

Nasayang naman ang pinakawalang triple-double na 34 points, 13 rebounds, at 13 assists ng nagbabalik na si Joel Embiid para sa Sixers.

Tumulong din sina JJ Redick na humugot ng 29 points, at si Mike Scott sa kanyang 22 para sa Philadelphia na abanse ng dalawang laro sa Boston para sa karera sa No. 3 seed sa East.