-- Advertisements --
Nagdesisyon ang Milwaukee Bucks at Orlando Magic na i-boycott ang kanilang laro bilang protesta sa pamamaril ng ilang pulis sa African-American na si Jacob Blake.
Unang nagdesisyon ang Bucks na hindi sumipot sa basketball court na magsisimula sana ng alas-4:00 ng umaga nitong Huwebes (oras sa Pilipinas) bago sumunod naman ang team ng Magic.
Lamang sa serye ang Bucks 3-1 sa best of seven first round ng NBA playoffs.
bago ito, magugunitang nagkaroon ng malawakang kilos protesta dahil sa pamamaril ng mga kapulisan kay Blake sa Konosha, Wisconsin ang home state ng Bucks.
Kasalukuyan nasa administrative leave ang mga pulis na sangkot habang nasa pagamutan ang biktima.