-- Advertisements --

Dalawang estudyante ang kumpirmadong nasawi kabilang ang mismong suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga nitong Martes, Agosto 18.

Base sa initial report mula sa Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 9, natukoy ang biktima na si Patrick Dylan Wee, grade 10 student na natagpuang wala nang buhay sa ikaapat na palapag habang ang suspek ay kinilalang si Mohammad Mael Jalani, Grade 9 student na nagbaril sa sarili sa ikalimang palapag matapos isagawa ang krimen. 

Lumalabas sa imbestigasyon na isinagawa ng suspek ang pamamaril bandang alas-7:50 ng umaga nang walang malinaw na probokasyon at nagpaputok ng baril sa mga estudyanteng nasa loob ng silid-aralan.

Ginamit ng suspek sa pamamaril ang isang pistol at rifle.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Regional Forensic Unit 9 Scene of the Crime Operations (RFU9-SOCO) sa pakikipagtulungan sa in Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS 6) sa pinangyarihan ng kimen.

Naglunsad na rin ng parallel investigation ang kaukulang law enforcement agency kabilang ang CIDG Zamboanga City Field Office para matukoy ang background at profile ng suspek, kung paano naipasok sa loob ng campus ang mga baril, matukoy ang nagmamay-ari at legalidad ng mga Baril gayundin para matukoy ang mga biktima at kung may kapabayaan sa parte ng pamunuan ng eskwelahan