Papayagan ng South Korean defense ministry ang K-pop sensation na BTS na magsagawa ng mga concerts habang sila ay sumasailalim sa mandatory military service.
Ayon kay Defense Minister Lee Jong-sup na isa umanong global stars ang K-pop group ay papayagan nilang magsagawa ng mga concerts.
Maari aniyang magamit ang kasikatan ng grupo para sa maipromote ang interest ng mga tao sa pagpasok sa military service.
Binibigyan kasi ng exemptions mula sa military services sa nasabing bansa ang mga elite athletes gaya ng mga Olympic medalists at mga classical musicals pero hindi ang mga pop stars.
Ngayon lamang aniya nila bibigyan ng exemptions ang BTS dahil sa nagdala ang mga ito ng bilyong dolyar sa South Korea dahil sa kanilang kasikatan.
Nakasaad kasi sa batas ng South Korea ang mga kalalakihan na may edad 30 ay dapat sumailalim sa mandatory military service.