-- Advertisements --
Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maabot nila ang 50 percent na digitalization target nila sa mga retail payment pagdating ng 2023.
Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na noong 2022 ay mayroong 42.1 percent na mga negosyante ang lumipat na sa digital payment.
Patuloy aniya ang paglago ng gumagamit ng mga electronic money kung saan nasa apat sa 10 mga Filipinos na ang gumagamit ng electronic-money.
Para aniya makahikayat ng mas maraming gumamit ng electronic money ay nakikipag-ugnayan ang BSP sa mga banko at digital transaction platforms na babaan o tanggalin na ang mga transaction fees sa mga maliliit na transactions na hindi na tataas pa sa P1,000.