-- Advertisements --

Nagpasya ang Monetary Board na panatilihin ang pinaiiral na ceiling o hangganan ng credit card transactions sa ilalim ng Circular No. 1098.

Ang maximum interest rate o finance charge sa hindi pa nabayaran na outstanding credit card balance ng cardholder ay mananatiling two percent kada buwan o 24 percent sa buong taon.

Kasabay nito, ang monthly add-on rates naman na sinisingil ng financial institution ay maaaring magbago para sa installment loan arrangement na mananatili sa maximum rate of one percent.

Samantala, ang maximum processing fee sa availment ng credit card cash advances ay iiral pa rin sa P200 sa bawat transaksyon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang desisyon ng Monetary Board ay makakatulong sa financial burden ng consumers sa pamamagitan ng affordable credit card pricing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Makakaagapay din dito ang BSP sa pag-assess ng impact sa improvement ng macroeconomic fundamentals at pagpapabuti ng mobility restrictions, partikular na sa credit card industry.