-- Advertisements --
Magsasagawa ng nationwide job fairs ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating ng Hunyo 12 o Independence Day.
Ayon sa DOLE na mayroong 72,000 na mga bakante ang puwedeng applyan ng mga naghahanap ng trabaho.
Aabot rin sa 800 na mga employers ang nagkumpirma na dadalo.
Karamihan sa mga dadalo ay mula sa industriya ng manufacturing, retail, BPO, accomodation,financial at insurance activities.
Pinayuhan ng DOLE ang mga interesado na magtungo sa kanilang online job matching portal na PhilJobs para makita ang mga listahan ng bakanteng trabaho.