Nagsagawa ang units ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng maritime at ground activities sa Likas Island, na isa sa occupied features ng bansa sa West Philippine Sea.
Ang naturang aktibidad ay parte ng patuloy na pagsisikap ng Sandatahan para igiit ang ating sovereign rights at pagpapamalas ng hindi natitinag na presensiya sa lugar.
Isinagawa sa pagbisita ng AFP units sa isla ang ship-to-shore operation, direct engagements sa deployed personnel at pakikipanayam sa mga tropa na nasa ground.
Dito, nagsagawa din ang personnel ng BRP Andres Bonifacio ng communication check sa kasagsagan ng maritime patrol sa bisinidad ng Likas Detachment, Kalayaan island Group sa WPS.
Magsisilbi naman ang mga aktibidad na ito sa pagpapatatag pa ng suporta ng AFP sa front-line units nito, pagpapalakas ng morale ng kanilang mga tropa at pagpapakita ng tuluy-tuloy at visible na presensiya ng PH sa lugar.
Sa isang statement, inihayag ng AFP na mahalaga ang papel ng Likas Island sa pagpapanatili ng maritime situational awareness at pagsuporta sa mga layunin para sa pambansang depensa sa rehiyon.