Inaprubahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapataw ng mga parusa sa BDO Unibank, Inc. at UnionBank of the Philippines, Inc.
Ito ay matapos na makumpleto na ng BSP ang kanilang isinagawang imbestigasyon hinggil sa umano’y insident ng scamming at fraud na kinasangkutan ng dalawang bangko noong Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon sa bangko sentral, layunin ng pagpapataw ng mga parusang ito upang matiyak na tutugunan ng dalawang bangko ang mga isyung ito.
Magbibigay-diin ito sa kahalagahan ng patuloy na pagpapahusay ng mga sistema ng pamamahala sa peligro na kinasasangkutan ng cybersecurity, anti-money laundering, at paglaban sa terorismo at proliferation financing.
Samamtala, nilinaw naman ni UnionBank President at Chief Executive Officer (CEO) Edwin Bautista na hindi nagpataw ng monetary penalties ang BSP at sa halip ay hiniling lamang daw sa kanila na taasan ang capital charge sa operations risk.
Habang tiniyak naman ni BDO President and CEO Nestor Tan na makikipagtulungan ito sa BSP upang siguraduhin ang mas ligas na banking environment sa kanila.