-- Advertisements --
Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko sa laganap na SMSishing o ang paggamit ng mga emails at text messages para malimas ang pera ng kanilang biktima.
Ayon sa BSP na dumarami na ang kanilang natatanggap na reklamo na nabiktima ng ng tinatawag na SMShing.
Ang modus anila ng mga suspek ay magpapadala ng mga text messages o email subalit ito ay magre-redirect sa isang websites.
Dagdag pa ng BSP na ang mga lehitimong financial institution ay hindi humihingi ng mga one time pins sa kanilang mga kliyente.
Hinimok na lamang ng BSP ang mga mamamayan na agad na isumbong sa kanilang opisina o sa PNP kung makatanggap man ng nasabing text message.