-- Advertisements --
Itinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hanggang Marso 12 na lamang sila tatanggap ng mga US dollars na may stamps.
Ayon sa BSP na isang ‘fake news’ ang nasabing kumalat na balita.
Paglilinaw din nila na hindi sila nagpapapalit ng mga pera na mula sa ibang bansa na mayroong mga deperensiya.
Limitado lamang ang mandato nila sa pagpapalit ng mga pera sa ating bansa.
Hinikayat na lamang nila ang publiko na ipalit na lamang ang pera sa ibang mga money service business para ipalit ang mga foreign currencies.