-- Advertisements --
Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng mga negosyante at mga bangko na tanggapin ang pera na natupi maging papel man o polymer bilang bayad sa arawang transaksyon.

Ito ang naging kasagutan ng BSP sa ulat na hindi pagtanggap ng isang mall ng bagong P1,000 na polymer na pera dahil ito umano ay natupi.
Paglilinaw din ng SM na kanilang tinatanggap aniya nag mga natuping polymer bills basta hindi ito napunit o nabutas matapos na matnggalan ng staple wire.
Nauna ng naglabas rin ang BSP ng mga panuntunan sa tamang paghawak ng mga polymer na pera na ito ay maaaring magamit din sa mga anumang uri ng perang papel.










