-- Advertisements --

Balak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na atasan ang mga bangko sa bansa na agad na ireport sa kanila sa loob ng 24 na oras ang mga nagaganap na money laundering, terrorism financing at mga nagaganap na malawakang problema sa mga bangko.

Ayon sa BSP na nais nilang ameyendahan ang sections na nakasaad sa Manual of Regulations for Banks (MORB) at Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutioin (MORNBF) bilang bahagi ng kanilang isk-based anti-money laundering and countering the terrorism and proliferation financing (AML/CTPF) supervision.

Dagdag pa ng BSP na sa hakbang nito ay mapapanitili ang magandang dignidad ng banking system sa bansa.

Hihilingin din nila ang mga bangko na magsumite ng annual Anti-Money Laundering/Countering the Terrorism and Proliferation Financing Reporting Package (ARP) kada taon.