-- Advertisements --

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na walang magiging espesyal na pagtrato sa capitalization requirement ang Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ito ay matapos na humirit ang nasabing bangko ng temporary exemption mula sa capital requirements ng BSP matapos ang kontribusyon nila ng P75-bilyon sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sinabi ni BSP Chairman Eli Remolona, na kanilang nai-evaluate ang kanilang request gaya ng ipinapatupad nila sa ibang mga bangko.

Pinangangambahan nila kasi na baka hindi na nila maabot ang capital adequacy ratio (CAR) requirements ng BSP matapos na magbigay ang dalawa ng capital investment sa MIF.

Magugunitang nagbigay ang Landbank na ng P50 bilyon habang ang DBP ay P25 bilyon bilang starting capital ng MIF.