-- Advertisements --

Desidido ang Bangko Sentral ng Pilipinas na kasuhan ang isang social media influencer at apat na mga Tiktokers dahil umano sa pagsira sa mga pera.

Ilan sa mga inireklamo ng BSP sa Quezon City Prosecutors Office ang ang social media influencer na nagpunit ng P20 na perang papel, pagpunas sa sapatos ang pera, ginawang embudo para sa pagsalin ng langis at pag-stapler ng pera sa isang ring ng basketball.

Ayon sa BSP na matagal na kanilang siniyasat ang mga reklamo kaya inihanda na nila ang kaso.

May kaparusahan ng pagkakakulong ng limang taon at pagbabayad ng hanggang P20,000,000.