-- Advertisements --

Binabaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang projected growth of remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW).

Magiging epektibo aniya ito sa susunod na dalawang taon na ang itinuturong dahilan ay ang inaasahang pagbagal ng ekonomiya sa ibang bansa.

Ayon kay BSP officer-in-charge for Monetary Policy Sub-Sector Dennis Lapid na inaprubahan ng Monetary Board ang pagbaba ng growth target.

Mula sa dating apat na porsyento ay magiging tatlong porsyento na lamang ito sa taong 2023 at 2024.

Isa sa itinuturong dahilan nila ay ang nararanasang mataas na inflation, ganun din ang patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Base sa pinakahuling datus nila na tumaas ang personal remittance ng 3.6 percent noong nakaraang taon kumpara noong 2021.

Nitong Enero lamang ay mayroong pagtaas ng 3.5 percent ng mga pesornal at cash remittances.