-- Advertisements --
Tiniyak na ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang paglalaro ni naturalized player Justin Brownlee para sa 2023 Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia.
Ayon sa POC president na hindi na malayong makakasama na ng men’s basketball team si Brownlee sa torneo na gaganapin mula Mayo 5 hanggang 17.
Sa mga panahon aniya noon ay tiyak na kumpleto na ni Brownlee ang kaniyang mga dokumento.
Dahil dito ay makakaasa ang gobyerno na mababawi ng Pilipinas ang kampeonato ng basketball sa SEA Games.
Magugunitang noong nakaraang SEA Games ay nabigo ang Pilipinas ng talunin sila ng Indonesia.