-- Advertisements --

Dinala ni Justin Brownlee ang Barangay Ginebra matapos nagtala ng 46 points at talunin ang Bay Area Dragons 111-93 sa PBA Commissioner’s Cup.

Matapos kasi ang dikitan na laban sa first half ay binago nila ang kanilang depensa.

Umabot pa sa 28 puntos ang kalamangan ng Kings pagdating ng second half.

Nagdagdag naman ng 17 points si Jamie Malonzo habang 11 points naman ang naiambag ni Christian Standhardinger.

Sinabi ni Gins coach Tim Cone na malaking bagay ang ipinatupad nilang depensa.