-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si British deputy prime minister at justice secretary Dominic Raab.
Kasunod ito sa ginawa nitong pambubully sa isa nilang opisyal.
Kinumpirma rin ni British Prime Minister Rishi Sunak ang pagbitiw sa puwesto ni Raab kung saan tinanggap na nito ang resignation letter niya.
Lumabas kasi sa isinagwang independent investigator na si Adam Tolley na guilty si Raab sa walong reklamo ukol sa kaniyang pag-uugali habang siya ay acting foreign secretary, Brexit secretary at justice secretary.
Si Raab ay humawak ng ibat-ibang posisyon mula ng pumasok sa pulitika noong 2015.
Siya ay naging foreign secretary noong panahon ni dating British Prime Minister Boris Johnson.