anthony joshua 1
IBF, WBO, IBO, WBA heavyweight champion Anthony Joshua

Sinabi nito na isa siya sa milyong fans ng 53-anyos na beteranong boksingero kay tiyak na marami ang masasabik sa kaniyang pagbabalik.

Nagpahayag ng suporta si WBA, IBF, WBO at IBO heavyweight champion Anthony Joshua sa pagbabalik sa boxing ring ni Mike Tyson.

Tiyak din aniya na hahakot ang nasabing laban ni Tyson ng maraming mga viewers.

Mike Tyson boxing
Mike Tyson

Tinaguriang pinakabatang heavyweight champion si Tyson sa edad 20-anyos noong 1986.

Nakulong din siya ng tatlong taon noong 1992 dahil sa kasong rape.

Magugunitang nagpahayag ng interest na bumalik sa boxing ring si Tyson at ito ay lalaban sa isang charity boxing match bilang pantulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.