-- Advertisements --

Dead on the spot ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isang motorcycle-riding gunman sa Barangay Llavac noong Sabado, Hunyo 7.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Rin,” 51 taong gulang. Ayon sa pulisya ng Region 4A, bandang ala-12:17 ng tanghali, nakasakay umano ang kagawad sa kaniyang motorsiklo nang tatlong beses siyang pagbabarilin ng suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala. Tumakas ang gunman na nakasuot ng puting jacket at itim na helmet gamit ang isang itim na Mio na motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.