Batay sa latest data ng Department of Health, as 4:00pm ngayong araw 462 na ang kumpirmadong kaso ng nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong Pilipinas.

Mula sa 380 kahapon, 82 pa ang nadagdag sa tala ng ahensya.

May isa namang nadagdag sa mga recovered patient at siya ay si PH73 na isang 54-year old na lalaki mula Maynila.

Noong Sabado raw ito na-discharge matapos maging asymptomatic at dalawang beses na mag-test negative sa COVID-19.

Sa record ng DOH, may travel record sa Thailand ang lalaki at na-exposed sa isang kaso ng COVID-19. Mayroon din daw itong pre-existing na hypertensive.

Samantala, malungkot na update dahil walo naman ang nadagdag sa bilang ng death cases, na ngayon ay 33 na.

Puro lalaki ang mga ito na sina PH281, PH266, PH279, PH304, PH328, PH333, PH367 at PH349.

89-year old ang pinaka-matanda sa kanilang grupo na namatay dahil sa iba’t-ibang komplikasyon kabilang na ang pneumonia at problema sa kidney.

56-year old naman ang pinaka-bata na dahil sa Acute Respiratory Distress Syndrome.

Sa datos ng DOH walang naitala na travel history at exposure sa positive case ang pito sa kanila.

Nasa pagitan naman ng March 13 at March 22 ang petsa kung kailan sila nag-expire o namatay.