-- Advertisements --

Muling babalik sa bansa si Brazilian volleyball star Leila Barros.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na dadalo si Barros sa finals ng 2025 FIVB Men’s World Championships.

Inimbitahan ito ng Asian Volleyball Confederation at ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Itinuturing ng PNVF na isang icon si Barros na nabihag ang puso ng mga Pinoy.

Gaganapin ang semifinals at finals ng World Championships sa Setyembre 27 at 28.

Huling naglaro si Barros sa Manila noong 2000 sa FIVB Grand Prix.

Kabilang siya sa Brazil team na nagkampeon noong 1996 at 2000 Olympics.